Pitong kolorum na motorcycle taxi riders na nagsasagawa ng operasyon sa Metro Manila ang naaresto ng Other Law Enforcement Agencies o OLEAs.
Ayon OLEAs, mayroon silang mga “mystery passengers” o undercover informants ang nagbook sa Angkas upang ma-check ang safety gear at dokumento ng rider.
Gayunman, ang natuklasan anila ng kanilang mga tauhan ay hindi kasama sa accredited masterlist ng Technical Working Group ng Department of Transportation.
Mayroon ding naaresto na mula sa SAMPA na hindi kasama sa Motorcycle Taxi Pilot Implementation.
Nabatid na lima sa mga naaresto ay Angkas riders na hindi kabilang sa isinumiteng listahan ng Angkas para sa pilot testing ng motorcycle taxi habang ang dalawa naman ay mga SAMPA riders.
May mga ulat din na nakararationg sa TWG na may nag-o-operate na i-SABAY na hindi rin kasama sa pilot test na tatagal hanggang March 2020.
Binalaan naman ni TWG Chairman Antonio Gradiola ang mga kolorum na motorcycle taxi na hindi sila mangingiming kasuhan ang mga ito kapag naaresto.
Umapela rin ito sa mga kasama sa pilot study partikular ang Angkas, Joyride at Move It na iparehistro ang kanilang mga riders sa TWG at magsumite ng daily ridership report.
Nanawagan naman si Department of Transportation Secretary Arthur Tugade sa mga hindi kalahok sa pilot study na huwag manggulo upang maging maayos ang pagpapatupad nito.
Huwag ayon kay Tugade na gamiting dahilan ang kabuhayan kaya sila nagkokolorum dahil inilalagay ng mga ito sa alanganin ang buhay ng mga sumasakay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.