Nanawagan sa pamahalaan Si Deputy Minority Leader Carlos Zarate na agapan ang napabalitang avian flu sa China na H5N1.
Ayon kay Zarate dapat maging aktibo ang paghahanda ng mga ahensya ng gobyerno kahit na negatibo pa ang bansa sa nasabing bird flu.
Nababahala si Zarate dahil karaniwang pumupunta sa Pilipinas ang mga migratory birds mula sa China lalo pa’t taglamig ngayon doon.
hindi na anya dapat maulit ang nangyari na African Swine Flu na umabot na sa Mindanao.
Nakiusap si Zarate sa mga opisyal ng pamahalaan na tigilan na ang turuan at pagkakanya-kanya tulad sa nangyari sa 2019-NCOV-ARD.
Kailangan aniya na maging proactive ang pamahalaan at umisip ng mga pamamaraan paano maiiwasan na makapasok ang panibagong sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.