PUV drivers pinaalalahanan ng LTFRB sa pagsusuot ng mask kapag bumibiyahe

By Dona Dominguez-Cargullo February 07, 2020 - 11:06 AM

Nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga driver ng PUVs na magsuot ng mask kapag nasa biyahe.

Ang LTFRB ay naglabas ng memorandum circular na nag-aatas sa lahat ng driver ng pampublikong mga sasakyan na magsuot ng mask.

Layon nitong maiwasan ang pagkalat ng virus ngayong may banta ng 2019 novel coronavirus sa bansa.

Kung walang mabiling surgical masks maari namang gumamit ng anumang uri ng pantakip sa bibig ang mga driver lalo na kung sila ay uubo o babahing.

Iniutos din ng LTFRB ang paglalagay ng hand sanitizers sa mga terminal para magamit ng mga pasahero.

TAGS: Breaking News in the Philippines, department of health, Health, Inquirer News, ltfrb, mask, ncov, News in PH, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, PUV drivers, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, department of health, Health, Inquirer News, ltfrb, mask, ncov, News in PH, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, PUV drivers, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.