Doktor na nagbabala tungkol sa nCoV pumanaw na sa ospital sa Wuhan
Pumanaw na nag doktor sa Wuhan na nuna nang nagbabala ng posibleng pagkakaroon ng “SARS-like” na sakit noong Disyembre 2019.
Ayun sa Wuhan Central Hospital, pumanaw si Li Wenliang na isang ophthalmologist sa naturang pagamutan.
Naapektuhan ng novel coronavirus si Li habang tumutulong sa paggamot sa mga pasyenteng tinamaan ng sakit.
Alas 2:58 ng madaling araw, February 7 nang pumanaw si Li.
Noong Disyembre, nagbabala na si Li tungkol sa sakit na maaring kahalintulad ng SARS.
Nagpadala noon ng mensahe si Li sa WeChat kung saan sinabi nito na mayroong pitong pasyente mula sa palengke sa Wuhan ang na-diagnose sa sakit na katulad ng SARS at isinailalim sa quarantine.
Inakusahan pa noon si Li ng rumor-mongering ng Wuhan police.
January 12 nang magkasakit ang doktor at February 1 nang magpositibo siya sa virus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.