Ikinasawi ng Pinay OFW sa Dubai, hindi novel coronavirus

By Dona Dominguez-Cargullo February 07, 2020 - 06:07 AM

Nilinaw ng pamahalaan ng United Arab Emirates na hindi novel coronavirus ang ikinasawi ng Pinay household worker sa Dubai.

Ayon sa ulat ng Gulf News, sinabi ng Ministry of Health and Prevention ng UAE na wala pa silang naitatalang insidente ng pagkasawi dahil sa 2019-nCoV.

Nakasaad sa pahayag ng health ministry office ng UAE na ang Pinay ay nasawi dahil sa respiratory infection.

Itinanggi ng UAE ang sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello na coronavirus ang ikinasawi ng OFW.

Nakipag-ugnayan na rin ang Health Ministry Office ng UAE sa World Health Organization (WHO) at sa UN special agency para itanggi na may nasawi sa kanilang lugar nang dahil sa nCoV.

TAGS: Breaking News in the Philippines, department of health, dubai, Filipina, Health, Inquirer News, ncov, News in PH, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, UAE, Breaking News in the Philippines, department of health, dubai, Filipina, Health, Inquirer News, ncov, News in PH, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, UAE

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.