25 babae na karamihan ay Chinese nailigtas sa isang hotel na pugad ng prostitusyon sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo February 07, 2020 - 05:45 AM

Sinalakay ng mga tuahan ng Makati City Police at PNP Women and Children Protection Center ang isang hotel sa Barangay Poblacion sa Makati City.

Ito ay makaraang matuklasan na ginagamit bilang prostitution den ang pasilidad.

Tatlong linggong isinailalim sa surveillance ang Hotel 88 sa Guerrero Street bago isinagawa ang operasyon.

Nailigtas ang 25 babae na ibinibugaw sa halagang P15,000 para sa kanialng serbisyo.

Karamihan sa kanila ay Chinese Nationals.

Nabatid na gumagamit ng WeChat App ang pasilidad at doon nakikipagtransaksyon sa mga kliyente.

Hindi naman nadatnan sa lugar ang may-ari ng hotel.

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, hotel 88, Inquirer News, News in PH, PH news, Philippine breaking news, prostitution den. makati city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, hotel 88, Inquirer News, News in PH, PH news, Philippine breaking news, prostitution den. makati city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.