5 patay sa magkakahiwalay na insidente sa QC, Pasay at Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo February 07, 2020 - 05:37 AM

Tatlong lalaki ang nasawi sa magkakahiwalay na insidente ng pananambang sa Quezon City.

Sa Payatas, nasawi ang 37 anyos na si Ernesto Giestro Jr., nang ito ay tambangan ng dalawang apat na suspek.

Sakay ng dalawang motorsiklo ang mga suspek nang dumating sila sa kanto ng Ylang-Ylang Street at San Pedro Street at saka pinagbabaril ang biktima.

Dati nang nasangkot sa kaso ng pagnanakaw ang biktima.

Sa Quezon City pa rin, patay ang isang mekaniko matapos pagbabariln ng isang suspek.

Nag-aayos ng tricycle ang biktimang si Danilo Nicdao sa bahagi ng Batasan Road nang dumating ang suspek at saka siya pinagbabaril.

Sa Payatas B, patay din ang isang cellphone technician nang tambangan ng sampung lalaking sakay ng motorsiklo.

Nakilala ang biktima na si Eduardo Ebuyen na bago pinaputukan ay pinukpok muna ng baril ng mga suspek na pawang nakasuot ng face masks.

Samantala, sa Pasay City, patay ang isang barker makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa sa FB Harisson Street.

Nakatambay lang ang biktima nang dumating ang mga suspek.

Nagawa pa nitong makatakbo pero hinabol siya ng gunman at binaril.

Sa Maynila, patay ang isang drug suspect matapos manlaban sa mga pulis na nagkasa ng buy bust operation.

Nagawa ng police poseur buyer na makabili ng P500 na halaga ng shabu sa suspek na si Alyas Nor.

Nang ito ay aarestuhin na ay bumunot ito ng baril at nagpaputok.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis na agad ikinasawi ng suspek.

Nakuha sa kaniya ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu at kalibre 38 na revolver.

TAGS: ambush incidents, Breaking News in the Philippines, buy bust, Inquirer News, manila, News in PH, Pasay, PH news, Philippine breaking news, quezon city, Radyo Inquirer, riding in tandem, Tagalog breaking news, tagalog news website, ambush incidents, Breaking News in the Philippines, buy bust, Inquirer News, manila, News in PH, Pasay, PH news, Philippine breaking news, quezon city, Radyo Inquirer, riding in tandem, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.