Amihan patuloy na umiiral sa Luzon, LPA na binabantayan ng PAGASA hindi inaasahang bagyo

By Rose Cabrales February 06, 2020 - 06:00 PM

Northeast monsoon o Amihan pa rin ang nakakaapekto sa Luzon.

Ayon sa PAGASA, makulimlim na panahon na may mahihinang pag-ulan ang mararanasan sa loob ng 24 oras dulot ng Amihan sa Eastern section ng Luzon partikular na ang Cordillera, Cagayan Valley, Aurora, Quezon kasama na ang Bicol Region.

Magandang panahon naman na may bahagyang maulap hanggang sa maulap na mga kalangitan na may pulo-pulong mga pag-ulan ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila.

Mababang temperatura pa rin ang mararanasan dahil sa epekto ng Amihan.

Ang Palawan naman ay makararanas ng magandang panahon naman na may bahagyang maulap hanggang sa maulap na mga kalangitan na may pulo-pulong mga pag-ulan.

Makulimlim na panahon na may kalat-kalat na pagkidlat at pagkulog ang mararanasan sa bahagi ng Visayas dala ng tail end of a cold front.

Ang Low Pressure Area (LPA) naman na binabantayan ay huling namataan sa 480 kilometers East Southeast ng Davao City.

Makulimlim na panahon ang mararanasan sa Eastern section ng Mindanao dahil sa epekto ng LPA.

Ang trough naman ng LPA ay magdudulot ng makulimlim na panahon na may kalat-kalat na pagkidlat at pagkulog sa bahagi ng Northern Mindanao , Caraga at Davao region.

Hindi naman inaasahang magiging bagyo ang naturang LPA at inaasahang malulusaw na ito sa loob ng 36 na oras.

TAGS: amihan, LPA, Pagasa, tail-end of cold front, weather, amihan, LPA, Pagasa, tail-end of cold front, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.