ISIS, pasimuno ng Damascus triple bombing na ikinamatay ng higit 50 katao

By Jay Dones February 01, 2016 - 04:32 AM

damascus-syriaInako na ng Islamic State o ISIS ang pinakahuling pambobomba sa Syria na ikinamatay ng hindi bababa sa 50 katao.

Batay sa mga kumakalat na mga statement sa internet, ang grupo ang may pakana ng triple bombing sa mataong lugar sa Damascus.

Agad namang kinondena at tinawag na kaduwagan ni Syrian Prime Minister Wael al-Halqi ang krimen.

Paliwanag nito, ginagawa lamang ng mga terrorista ang pambobomba upang itaas ang kanilang morale dahil batid nilang natatalo na ang kanilang hanay sa Syria.

Hindi bababa sa 50 katao ang nasawi makaraang magpasbog ng car bomb ang mga terorista sa Sayeda Zeynab na lugar na ipinangalan sa isang mahalagang Shiite mosque.

Nang magsimulang kumapal ang mga tao upang mag-usyoso at tumulong sa mga biktima ng unang car bombing, dalawang pagsabog pa ang sumunod na pinasimunuan ng dalawang suicide bombers.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.