Pagsusuri ng mga swab samples para sa nCoV inirekomendang gawin sa mga pribadong hospital
Pinag-aaralan na rin ng pamahalaan na gamitin ang mga pribadong ospital sa bansa para sa pagsusuri ng nga swab sample ng mga person under investigation (PUI) kaugnay ng 2019 novel coronavirus o 2019-nCoV ARD.
Ayon kay House Committee on Health Chairman Angelina Tan, napag-usapn nila sa pulong kasama si Pangulong Rodrigo Duterte na i-tap ang mga private hospitals para sa pagkumpirma kung ang isang PUI ay positibo sa infectious disease.
Sa ngayon aniya ay nasa mahigit isang daan na ang PUIs at inaabot ng 48 hours ang testing na tanging RITM o Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa lamang ang nagsasagawa nito.
Sayang anya ang oras ng biyahe patungo sa RITM lalo na kung manggagaling ito sa malalayong lalawigan.
Ang kailangan lamang ayon kay Tan, ay ipadala ang mga primer na pagsasagawaan ng test sa mga ospital at maaari nang gawin ang pagsusuri.
Samantala, nagpapa-imbentaryo na rin si Pangulong Duterte ng mga ambulansya sa lahat ng regional centers.
Kailangan din anya na magkaroon ng isang transport vehicle na nakalaan lamang para sa pag-biyahe ng mga PUI sa referral hospitals ng DOH.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.