Buong Luzon apektado pa rin ng Amihan; LPA sa Mindanao patuloy na binabantayan ng PAGASA
Dalawang weather system ang umiiral sa bansa ngayong araw ng Huwebes (February 6).
Ayon sa 4AM weather update ng PAGASA, Northeast monsoon o Amihan ang umiiral sa Luzon habang mayroong Low Pressure Area (LPA) naman na binabantayan sa Mindanao.
Ang sentro ng LPA ay huling namataan sa 850 kilometers Silangan ng Davao City.
Ang trough o ang extension ng LPA ay nagdudulot na ng pag-ulan sa bahagi ng Visayas at sa Mindanao.
Makararanas naman ng maulap na kalangitan at mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley Region, Cordillera Administrative Region, Aurora at Quezon Province kasama na ang Bicol Region dahil sa Amihan.
Ang Silangan naman ng Luzon at malaking bahagi ng Hilagang Luzon ay makararanas ng maulap na papawirin na may mga tyansa ng mahihinang pag-ulan dulot ng Amihan.
Dahil sa umiiral na Amihan ay patuloy na mararanasan ang medyo malamig na hangin lalo na sa gabi hanggang madaling araw.
Ang Eastern, Western at Central Visayas ay makararanas ng maulap na papawirin na may mga kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat at pagkulog dahil sa trough ng LPA.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated light rains naman ang mararanasan sa Palawan dahil sa Amihan.
Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon maliban sa Eastern section ay maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan dulot pa rin ng Amihan.
Ang Northern Mindanao, Caraga Region at Davao Region ay makakaranas ng maulap napapawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng trough ng LPA.
Magandang panahon naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.