Cloth mask, hindi epektibo laban sa mga virus – Medical Expert

By Ricky Brozas February 05, 2020 - 03:31 PM

Pinaalalahanan ng mga doktor ang mga mamamayan na may kani-kanyang gamit ang mga facemask na ngayon ay nagkakaroon na ng shortage sa merkado.

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Dr. Edsel Maurice Salvana, director ng Molecular Biology and Biotechnology National Institute of Health and Molecular Technology sa University of the Philippines, na hindi epektibong pangontra laban sa 2019 NCoV ARD ang clothmask na nabibili sa mga bangketa dahil hindi naman nito nasasala ang mga virus at bacteria sa hangin.

Tanging mga doktor lamang din aniya ang maaaring gumamit ng N95 facemask.

Sabi pa ni Dr Salvana, may sistema rin nang paggamit sa N95 mask lalo na kailangang saradung-sarado o hindi mapapasok ng hangin.

Paliwanag pa ni Dr. Salvana na surgical mask lamang o regular na facemask ang maaaring gamitin laban sa virus o bacteria ngunit kailangang sundin ang tamang paggamit nito na dapat ay nakalabas ang kulay asul dahil ito ang bahagi na nagtataglay ng watwr repellant habang absorbent naman ang kulay puti na dapat ay nasa loob.

Kapag nagamit na ay dapat itapon at huwag na uulitin ang paggamit.

TAGS: Cloth mask, coronavirus, ncov, Cloth mask, coronavirus, ncov

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.