BREAKING: Ikatlong kaso ng nCoV sa Pilipinas kinumpirma ng DOH
(UPDATE) Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na isang 60 taong gulang na babaeng Chinese National ang nagpositibo sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD).
Kinumpirma ng Department of Health ang ikatlong kaso ng novel coronavirus sa Pilipinas
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo isang 60 anyos na babaeng Chinese ang nagpisitibo sa virus.
Dumating sa Cebu ang babaeng dayuhan galing Wuhan City noong January 20.
Mula Cebu ay dumeretso ito sa Bohol ayon sa DOH.
Noong January 22 nagpakonsulta sa isang private hospital sa Bohol ang dayuhan matapos lagnatin.
Dalawang beses itong kinuhanan ng sample para ma-test sa nCoV. Ang samples ay kinuha noong January 23 at 24.
Ang January 24 na samples na kinuha sa pasyente ay ipinadala sa RITM at Australia na kapwa lumabas na negatibo.
Dahil dito nang bumuti ang pakiramdam ng dayuhan ay pinayagan na itong makalabas ng ospital at makabalik sa China noong Jan. 31.
Pero noong February 3, sinabi ng RITM sa DOH na ang samples na kinuha sa dayuhan noong January 23 ay nagpositibo sa nCoV.
Ito na ang ikatlong kumpirmadong kaso ng nCoV sa Pilipinas .
Ang una ay isang Chinese na babae rin na edad 38 anyos na ngayon ay bumubuti naman na ang kondisyon.
Ang ikalawa naman ay ang lalaking partner nito na pumanaw noong Feb. 1 dahil sa kumplikasyon ng pnuemonia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.