Temperatura sa Baguio City bumagsak sa 10.5 degrees Celsius
Bumagsak sa 10.5 degrees Celsius ang naitalang minimum na temperatura sa Baguio City ngayong umaga ng Miyerkules, Feb. 5.
Ito na ang ikalawang pagkakataon ngayong taon na nakapagtala ng temperatura na mas mababa sa 11 degrees Celsius sa Baguio City.
Noong February 1 ang pinakamalamig na temperatura sa Baguio ngayong 2020 na 10.2 degrees Celsius.
Una nang sinabi ng PAGASA na mananatili ang malamig na temperatura dahil sa bugso ng Amihan hanggang ikatlong linggo ng Pebrero.
Sa kasaysaya, noong January 18, 1961 naitala ang pinakamababang temperatura sa Baguio na 6.3 degrees Celsius.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.