Klase sa mga pampublikong paaralan sa Negros Oriental suspendido ng tatlong araw
Suspendido ang klase sa mga pampublikong paaralan sa Negros Oriental dahil sa banta ng 2019-novel coronavirus.
Tatagal ang suspensyon hanggang Biyernes, February 7 base sa utos ni Governor Roel Degamo.
Ipinaubaya naman sa pamunuan ng mga pribadong paaralan ang pagpapasya kung magsusupinde rin sila ng klase.
Ayon kay Degamo, layunin ng suspensyon na maawat ang posibleng pagkalat ng novel coronavirus sa lalawigan.
Una nang napaulat na mayroong limang katao sa Negros Oriental Provincial Hospital ang inilagay sa isolation.
Ito ay matapos magpakita sila ng sintomas ng nCoV.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.