3,700 na sakay ng cruise ship sa Yokohama, Japan, 14 na araw na sasailalim sa quarantine; 10 pasahero nagpositibo sa 2019-nCoV
Sampung pasahero ng cruise ship na Diamond Princess na nakadaong sa Yokohama Japan ang nagpositibo sa 2019 novel coronavirus.
Dahil dito, nagpasya ang pamahalaan ng Japan na ituloy ang quarantine sa lahat ng 3,700 na pasahero at crew ng barko.
Una nang iniulat ng health authorities ng Japan na isang 80 anyos na pasahero ng barko galing Hong Kong ang positibo sa virus.
Dahil dito, pagdating sa Yokohama ay hindi na pinababa ang mga pasahero at inabisuhang manatili sa kanilang mga kwarto.
Inakyat ng mga quarantine officer ang barko at saka isa-isang sinuri ang mga pasahero at doon nga nakumpirma na mayroong 10 positibo sa novel coronavirus.
Labingapat na araw tatagal ang quarantine sa nasa 2,700 na pasahero at 1,000 crew ng barko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.