Dalaw sa mga kadete ng PNPA suspendido muna

By Dona Dominguez-Cargullo February 05, 2020 - 07:38 AM

Suspendido muna ang pagtanggap ng dalaw sa mga kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA).

Ito ay dahil sa banta ng 2019-novel coronavirus sa bansa.

Ayon kay PNP Spokesman Police Brig. Gen. Bernanrd Banac, lahat ng tauhan na pumapasok sa PNPA ay required na magsuot ng face masks.

Isasailalim din sa temperature check ang lahat ng pumapasok sa gate ng PNPA.

Samantala, ayon kay Philippine Military Academy (PMA) Spokesperson Capt. Cherryl Tindog, suspendido rin ang pagtanggap ng dalaw sa kanilang mga kadete.

Ginawa aniya ang temporary suspension sa mga bisita para maprotektahan ang kanilang mga kadete at trainees na tamaan ng sakit.

TAGS: 2019 ncov, Health, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, pnp academy, PNPA, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2019 ncov, Health, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, pnp academy, PNPA, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.