Mahigit P300K na halaga ng shabu itinago sa pakete ng sigarilyo; suspek arestado sa Pasay

By Dona Dominguez-Cargullo February 04, 2020 - 10:12 AM

Arestado ng mga tauhan ng Pasay City Police ang isang lalaki makaraang makuhanan ng ilegal na droga sa operasyon sa Barangay 171, Zone 17, Malibay, Pasay City, alas 11:00 ng gabi ng Lunes (Feb. 3).

Kinilala ang suspek na si Keith Malaque, 22 anyos na nasa drgs watchlist ng pulisya.

Isang concerned citizen ang nagsumbong sa mga pulis sa nagaganap na transaksyon ng ilegal na droga sa lugar.

Nang dumating ang mga pulis, nadatnan ang suspek na nakuhanan ng isang plastic cellophane na may lamang hinihinalang shabu at tatlo pang maliliit na plastic sachet ng shabu na isinilid sa loob ng pakete ng sigarilyo.

Tinatayang aabot sa 51.4 grams ng shabu ang nakumpiska sa suspek na P349,520 ang halaga.

TAGS: Breaking News in the Philippines, buy bust, Inquirer News, News in the Philippines, Pasay Police, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs, Breaking News in the Philippines, buy bust, Inquirer News, News in the Philippines, Pasay Police, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.