Magkasunod na pagyanig naitala sa Surigao del Sur at Surigao del Norte
Nakapagtala ng magkasunod na pagyanig sa lalawigan ng Surigao del Sur at Surigao del Norte.
Unang naitala ang magnitude 3.4 na lindol sa Cagwait, Surigao Del Sur sa layong 46 kilometers Southeast ng bayan ng Cagwait, alas 4:39 umaga ng Martes (February 4).
May lalim na 12 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Alas 6:00 naman ng umaga, naitala ang magnitude 3.3 na lindol sa General Luna, Surigao Del Norte.
Ang epicenter ng lindol ay naitala sa 17 kilometers southeast ng General Luna.
May lalim na 11 kilometers ang dalawang lindol at tectonic din ang origin.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks sa dalawang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.