BARMM isinailalim sa heightened alert dahil sa banta ng nCoV
Isinailalim na sa Heightened alert ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa gitna nang banta ng novel coronavirus (nCoV).
Sa statement na ipinalabas ni BARMM Minister of Health Safrullah Dipatuan ay itinaas ang “Code White” sa rehiyon nang isagawa ang deliberasyon ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) noong Enero 31, 2020 para palaganapin ang kamalayan ng publiko laban sa banta nCoV.
Partikular na nakatuon ang heightened alert sa mga miyembro ng BTA, provincial health offices, City health offices, at mga ospital na nakapaloob sa BARMM.
Ang “Code White” ay ipinairal matapos maglabas ng memorandum noong Enero 13 si Dipatuan na nag-aatas sa mga nabanggit na units na paigtingin ang kanilang surveillance system sa gitna ng panganib nang pagpasok sa rehiyon ng nCoV.
Tiniyak naman ng BARMM Ministry of Health sa kanilang mga nasasakupan na sila ay “on top of the situation” at nagpapatupad ng mga hakbang para maiwasan ang pagpasok ng nCoV sa kabila ng kakapusan ng pondo at kakulangan sa kagamitan.
Una nang sinabi ng Department Of Healht (DOH) na walumpung mga pasyente na ang iniimbestigahan o patients under investigations(PUI’s) sa nCoV.
Dalawa na ang naiulat na kumpirmadong kaso ng nCoV sa bansa kung saan isa sa mga ito ay nasawi noong Sabado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.