M4 na lindol tumama sa Malungon, Sarangani
By Dona Dominguez-Cargullo February 04, 2020 - 05:27 AM
Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng Malungon sa lalawigan ng Sarangani.
Naitala ang pagyanig sa layong 14 kilometers northeast ng Malungon ala 1:51 ng madaling araw ng Martes, February 4.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng pagyanig na may lalim na 4 kilometers.
Naitala ang Intensity II sa Magsaysay, Davao Del Sur bunsod ng pagyanig.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.