WHO kuntento sa pag-aksyon ng pamahalaan sa nCoV
Maayos na natutugunan ng pamahalaan ng Pilipinas ang 2019 novel coronavirus (2019-nCoV).
Sa laging handa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Dr. Rabinda Abeyasinghe, ang kinatawan ng World Health Organization (WHO) na kuntento ang kanilang hanay sa mga aksyon na ginawa ng Pilipinas para masolusyunan ang naturang problema.
Ayon kay Abeyasinghe, kumpiyansa ang WHO na kakayanin ng Pilipinas na makontrol at matigil ang outbreak ng coronavirus.
Dagdag ng opisyal, naging proactive ang pamahalaan, naging alerto at aktibo at hindi nagkait ng impormasyon sa publiko.
Mahigpit din aniya ang ginawang pakikipag-ugnayan ng DOH sa WHO para sa pag-update sa fact-based developments and approach mula sa mga medical experts.
Sa ngayon, dalawang kaso na ng novel coronavirus ang naitala sa Pilipinas kung saan isa sa mga pasyenteng Chinese ang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.