Filipino chaplaincy, inialok ng CBCP na gamitin bilang polling precints para sa mga registered OFW voters

By Mariel Cruz January 31, 2016 - 01:39 PM

INQUIRER PHOTO / NINO JESUS ORBETA
INQUIRER PHOTO / NINO JESUS ORBETA

Maaaring gamitin ang mga Filipino chaplaincy bilang voting centers ng mga pinoy na nagta-trabaho at naninirahan sa ibang bansa ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines.

Ginawa ni Bishop Ruperto Santos, ang chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples ang suhestiyon dahil marami sa mga Overseas Filipino Workers o OFW ang hindi nakaboboto sa pamamagitan ng Overseas Absentee voting.

Hindi aniya nakaboboto ang mga OFW sa kadahilanan na malayo ang mga voting centers sa kanilang trabaho at tirahan.

Karaniwan sa itinatalagang polling precincts para sa mga OFWs ay ang Philippine embassies at consular offices.

Dagdag ni Santos, bukod sa lugar ng pagbobotohan, ikinokonsidera din ng mga OFWs ang gastos sa pagpunta sa mga embassy at consular office.

Sinabi rin ni Santos na ipinagbigay alam na niya ang suhestiyon kay Commission on Elections Chairman Andres Bautista sa isinagawang Plenary Assembly ng CBCP sa Cebu City noong nakaraang linggo.

Umaasa naman si Santos na magiging bukas si Bautista sa nasabing ideya.

Base sa datos ng Comelec, aabot sa mahigit isang milyon ang mga registered overseas voters para sa local at national elections sa Mayo.

Magsisimula ang elecstions overseas sa April 9 at matatapos sa May 9.

TAGS: Filipino chaplaincy, Polling precincts, Filipino chaplaincy, Polling precincts

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.