2 lugar pinagpipilian para magsilbing quarantine area ng mga uuwing Pinoy galing Wuhan City
Mayroon nang dalawang lugar na inihahanda sa Pilipinas na maaring magsilbi bilang quarantine area para sa mga Pinoy na uuwi sa bansa galing Wuhan City.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III, na ang dalawang lugar ang pinagpipilian para gawing quarantine area.
Pag-uusapan aniya ito sa pagpupulong ng Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na gagawin mamaya.
Si Pangulong Rodrigo Duterte ang mangunguna sa pulong.
Hindi naman muna tinukoy ni Duque kung saang mga lugar ang pinagpipiliang maging quarantine area para hindi na magdulot ng panic sa mga residente sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.