Bahagi ng Bicol region at Eastern Visayas, makararanas ng pag-ulan
Makararanas ng maulap na kalangitan na may kasamang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at isolated thunderstorms ang Bicol region, Eastern Visayas at Quezon province.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, dulot ito ng umiiral na easterlies.
Samantala, ang Batanes, Calayan at Babuyan Group of Islands naman ay magiging maulap hanggang sa maulap na may kasamang mahinang pag-ulan dala ng northeast moonsoon.
Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay magkakaroon ng bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang isolated rainshowers at thunderstorm.
Iiral naman ang katamtaman at malakas na hangin sa Northern Luzon habang magiging maalon hanggang malakas na alon ang mga karagatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.