Flight suspension ng PAL, CebuPac at AirAsia sa China, Macau at Hong Kong pinalawig na rin
Pinalawig na rin ng mga airline companies ang suspensyon ng kanilang biyahe sa China, Macau at Hong Kong kasunod ng travel ban na ipinatupad ng Pilipinas sa mga biyahero mula sa nasabing mga lugar.
Inanunsyo ng Philippine Airlines (PAL), Cebu Pacific, at AirAsia ang pagpapalawig ng flight suspension na epektibo kahapon, February 2.
Kabilang sa apektado ang sumusunod na flights:
PAL
– flights mula Manila at patungong Beijing, Guangzhou, Shanghai, Xiamen, Quanzhou (Jinjiang), Hong Kong, Macau (hanggang February 29 ang suspensyon)
AirAsia
– flights mula Manila, Kalibo, at Cebu patungo o galing Guangzhou, Shenzhen, Shanghai, Hong Kong, Macau
Cebu Pacific
– flights patungo at mula Beijing, Shanghai, Xiamen, Guangzhou, Shenzhen (hanggang March 29 ang suspensyon)
– flights patungo at mula Hong Kong at Macau (hanggang February 29 ang suspensyon)
Para sa mga pasaherong apektado, maari silang magrebook ng kanilang flights o humiling ng refund sa ibinayad nila sa pamasahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.