P660,000 halaga ng ilegal na droga, nasabat ng BOC NAIA

By Angellic Jordan February 02, 2020 - 06:04 PM

Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang P660,000 halaga ng ilegal na droga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa ahensya, nakumpiska ang kontrabanda katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Interagency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa DHL warehouse.

Nagsagawa ang PDEA at NAIA-IADITG ng profiling at, x-ray at physical examination sa anim na package mula sa iba’t ibang consignee.

Nakuha sa mga package ang 71.6 gramo ng shabu at 97 tableta ng valium.

Lima sa anim na package ay naglalaman ng shabu habang sa isa naman isiniliad ang valium sa mga libro, speaker at dokumento.

Dinala ang mga kontrabando sa PDEA para sa karagdagang imbestigasyon.

Tiniyak naman ng BOC na mananatili silang alerto sa pagprotekta ng entry points ng bansa, maging ang import at export transactions sa bansa.

TAGS: BOC-NAIA, DHL warehouse, NAIA-IADITG, PDEA, shabu, valium, BOC-NAIA, DHL warehouse, NAIA-IADITG, PDEA, shabu, valium

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.