Gobyerno, dapat tutukan ang paghahanap sa mga posibleng carrier ng 2019-nCoV ARD – Sen Pangilinan

By Angellic Jordan February 02, 2020 - 02:45 PM

Iginiit ni Senator Francis Pangilinan na dapat tutukan na ng gobyerno ang paghahanap sa mga posibleng carrier ng 2019-novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD).

Sa inilabas na pahayag, dapat tutukan ng gobyerno ang paghahanap sa mga posibleng apektado ng sakit para maisailalim sa quarantine at isolation.

Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang temporary ban sa lahat ng dayuhan mula China, Hong Kong at Macau.

Aniya, welcome sa kaniya ang total travel ban para maiwasan aang pagkalat ng nasabing virus sa bansa.

Giit pa ng senador, mas mabuti kung naipatupad ito nang mas maaga para napigilan ang pagpaosk ng daan-daang posibleng carries ng sakit sa bansa.

Ngunit, sinabi naman nito na mas maigi nang huli kaysa hindi ipinatupad.

Matatandaang kinupirma ng Department of Health (DOH) ang ikalawang kaso ng nCoV sa bansa na isang 44-anyos na lalaking Chinese.

Ayon sa kagawaran, nasawi ang dayuhan, araw ng Sabado (February 1).

TAGS: 2019-nCoV ARD, 2019-novel coronavirus acute respiratory disease, Sen. Francis Pangilinan, temporary ban, 2019-nCoV ARD, 2019-novel coronavirus acute respiratory disease, Sen. Francis Pangilinan, temporary ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.