Holiday schedule ng DFA para sa 1st quarter ng 2016, inilabas na
Inilabas ng Department of Foreign Affairs ang kanilang schedule para sa unang quarter ng taon.
Base sa abiso ng DFA, walang consular services kabilang na ang pagkuha ng passport, authentication, red ribonning consular civil registration at iba pang serbisyo sa lahat ng DFA Consular Affairs Field offices sa buong bansa at maging sa Aseana sa Pasay City.
Ito ay para sa February 8, Lunes na Chinese New Year; February 25, Huwebes na People Power Anniversary; March 24, Huwebes Santo; March 25, Biyernes Santo at March 26, Sabado de Gloria.
Ayon sa DFA, para sa mga may passport related inquiries, maaaring mag-email sa [email protected] at para naman sa authentication o “red ribbon”, maaaring mag-email sa [email protected] at ang mga may tanong kaugnay ng reports of births, kasal, at pagkamatay maaari naman mag-email sa [email protected].
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.