Pangulong Duterte hinimok na gawing vice chair ng NDRRMC si Health Sec. Duque

By Erwin Aguilon January 31, 2020 - 04:28 PM

Naniniwala si Albay Rep. Joey Salceda na dapat italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III bilang vice chairman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Ayon kay Salceda, ito ay upang magamit ni Duque ang NDRRMC ecosystem kagaya ng ginawa noong 2009 nang magkaroon ng epidemya sa AH1N1.

Magbibigay ito ng access sa kalihim sa buong disaster response machinery at resources ng gobyerno.

Iginiit ni Salceda, hindi sapat ang kapangyarihan ng Interagency Task Force on Emerging Diseases para magsagawa ng malawakang contact tracing, surveillance at containment para mapigilan ang mabilis na pagkalat ng sakit.

Ginawa ni Salceda ang pahayag kasunod ng kumpirmasyon na meron nang kaso ng novel coronavirus sa bansa.

Nagpaalala rin ito sa publiko na maging alerto at maniwala lamang sa mga impormasyong magmumula sa Department of Health.

TAGS: China, coronavirus, current events, Health, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City, China, coronavirus, current events, Health, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.