CebuPac kumilos na kaugnay sa pasahero na nCoV positive

By Jan Escosio January 31, 2020 - 03:14 PM

Tumutulong na ang Cebu Pacific sa Department of Health (DOH) at Bureau of Quarantine para makilala ang mga nakatabi sa eroplano ng 38-anyos na Chinese na kinilala bilang unang pasyente ng novel coronavirus sa bansa.

Sa inilabas na pahayag ng CebuPac, sinuri na rin ang crew at piloto ng eroplano na nasakyan ng Chinese na may taglay ng virus at aniya wala naman anuman sintomas na may sakit ang kanilang mga empleyado.

Dagdag pa ng kumpanya ang mga eroplano na sinakyan ng babaeng pasahero noong January 21 ay hindi na muna bumibiyahe at sumasailalim sa masusing disinfection.

Ipinaalam din ng kompaniya na may mga hakbangin na rin silang ipinatutupad para maiwasan ang pagkalat ng infection, tulad ng disinfection ng kanilang eroplano sa pagitan ng mga biyahe at pinagsusuot na rin nila ang kanilang mga empleado, frontline personnel at cabin crew habang naka-duty.

Nagbibigay din sila ng face masks sa mga pasahero na may sintomas ng sakit at pagbubukod sa mga ito, kung posible, mula sa ibang pasahero.

Nabatid na magbabawas na rin ang CebuPac ng kanilang biyahe sa Mainland China, Hong Kong at Macau simula sa darating na Pebrero 3 hanggang sa Marso 29 dahil na rin sa banta ng nCoV.

TAGS: cebupacific, China, coronavirus, current events, Health, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City, cebupacific, China, coronavirus, current events, Health, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.