Gastusin sa pagpapagamot ng mga itinuturing na PUI sa nCoV, covered ng PhilHealth
Sagot ng PhilHealth ang pagpapagamot ng mga itinuturing na PUIs o Persons Under Investigation (PUIs) sa novel coronavirus.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, sa pagpupulong ng PhilHealth board ay napagkasunduang maglaan ng package para sa novel coronavirus.
Sa ilalim ng coverage, P1,000 kada araw ang ilalaan ng PhilHealth para sa mga ospital na may pasyente na mayroong nCoV o kahit ang mga under investigation pa lamang.
Kung mauuwi naman sa pneumonia ang sakit ay covered ng PhilHealth ang pagpapagamot mula P16,000 hanggang P32,000.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.