Batang Brazilian sa Palawan na nakitaan ng sintomas ng nCoV negatibo sa ikalawang pagsusuri
Negatibo sa ikalawang pagsusuri sa novel coronavirus ang isang batang Brazilian na nakitaan ng sintomas ng flu sa Palawan.
Ayon kay DOH – MIMAROPA chief Mario Baquilod, negatibo sa novel coronavirus ang 10 taong gulang na bata base sa resulta mula sa Research Institute for Tropical Medicine.
Gayunman, nananatili pang isolated sa Ospital ng Palawan ang bata.
Ayon kay Baquilod may mga pagsusuri pang isasagawa para matukoy kung anong uri ng strain na tumama sa bata.
Sa gagawin pang pagsusuri ay gagamitin ng DOH ang test kit mula sa Japan.
Inilarawan naman ng health authorities na “active and febrile” ang bata na nakakakain naman ng maayos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.