Pamahalaang lungsod ng Maynila mamahagi ng face masks ngayong araw sa mga pampublikong eskuwelahan

By Ricky Brozas January 31, 2020 - 08:05 AM

Mamamahagi ng libreng face masks ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa mga eskuwelahan sa siyudad.

Nagtulong-tulong ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at staff ng Mayors Office upang mag-repack ng libu-libong facemask sa Bulwagang Katipunan sa Manila City Hall.

Ayon kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, ipapakalat ang 500,000 face mask sa 300,000 estudyante ng public schools sa lungsod.

Magdamag na ni-repacked ng mga enforcers ang mga face mask para ipamahagi ngayong araw na ito sa mga pampublikong eskuwelahan.

Samantala, magdonate rin ang pamahalaang lungsod ng 6,200 face masks sa San Lazaro Hospital.

Sinaksihan naman ni NCR Health Assistant Regional Director Dr. Paz Corales ang nasabing donasyon.

Tiniyak naman ni San Lazaro Hospital Director Dr. Edmund Lopez sa alkalde na ang kanilang mga empleyado at pasyente ay ‘well protected’.

Ang pamamahagi ng face mask ng pamahalaang lungsod ay kasunod nang anunsyo ng Department of Health (DOH) sa kauna-unahang kaso ng nagpositibo sa 2019 Novel Coronavirus sa bansa kung saan isang babaeng Chinese na mula Wuhan China ang sa ngayon ay nasa San Lazaro Hospital at nasa isolation room na.

TAGS: Breaking News in the Philippines, face masks, Inquirer News, manila, manila schools, PH news, Philippine Media, philippine website, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, face masks, Inquirer News, manila, manila schools, PH news, Philippine Media, philippine website, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.