11.2 degrees Celsius naitala sa Baguio City ngayong umaga
Nakapagtala ng malamig na temperatura sa Baguio City ngayong umaga ng Biyernes, Jan 31.
Ayon sa Pagasa Synoptic Division sa Baguio, 11.2 degrees Celsius ang naitala alas 6:00 ng umaga.
Dahil sa malamig na temperatura ay patuloy ang paalala ng Office of the Civil Defense – Cordillera sa mga residente at turista na magsuot ng makakapal na damit.
Pinapayuhan din ang publiko na gumamit ng bonnet, scarf at iba pa na makatutulong panangga sa malamig na panahon.
Una nang sinabi ng PAGASA na makararanas ng malamig na temperatura ngayong araw ang malaking bahagi ng Luzon dahil sa Amihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.