Kumalat na video nang pag-collapse ng isang Chinese bunsod umano ng nCoV, hindi totoo

By Angellic Jordan January 31, 2020 - 04:49 AM

PHOTO CREDIT: Pasay City Public Information Office/FACEBOOK

Pinasinungalingan ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang kumalat na video sa social media kung saan nag-collapse ang isang lalaking Chinese sa harap ng isang gusali sa lungsod.

Batay sa post, sinabi ng uploader na bumagsak ang dayuhan bunsod ng nasabing sakit.

Bunsod nito, inatasan ni Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano ang PCDRRMO na agad magsagawa ng imbestigasyon sa pagpapakalat ng video sa social media.

Ayon sa Pasay City Disaster Risk Reduction and Management Office (PCDRRMO), batay sa incident report ng rumespondeng security personnel, nadulas lamang ang dayuhan matapos tumakbo nang hanapan ito ng identification card (ID).

Nanawagan naman ang alkalde sa publiko na huwag magpakalat ng maling impormasyon na posibleng magdulot ng takot at alarma sa publiko.

TAGS: Chinese national na nag-collapse sa Pasay, PCDRRMO, Chinese national na nag-collapse sa Pasay, PCDRRMO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.