Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang Sulop, Davao del Sur Huwebes ng gabi.
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 19 kilometers Southwest ng Sulop bandang 6:47 ng gabi.
27 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang dahilan.
Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa lugar.
Wala ring naitalang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.