BAI-VQS, BOC ipinag-utos ang pagtatapon ng food items na positibo sa ASF
Ipinag-utos ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Animal Industry – Veterinary Quarantine Services (BAI-VQS) sa Manila International Container Port (MICP) ang pagtatapon ng food items na positibo sa African Swine Fever (ASF).
Naka-consign ang kargamento sa Dynamic M Intl Trading Inc. na dumating sa MICP mula sa China noong December 11, 2019.
Lulan nito ang ilang food iteams tulad ng dumplings, pork-chicken balls, at roast chicken wings.
Nagsagawa ng inspeksyon ang BOC at BAI sa Designated Examination Area sa MICP at saka ito inilipat sa warehouse ng consignee sa Goldkey Bldg, Toklong, Kawit, Cavite.
Lumabas sa laboratory test na isinagawa ng BAI-VQS na positibo sa ASF ang kargamento.
Dahil dito, agad inirekomenda ng BAI ang pagtatapon sa ASF-infected food items.
Nilabag nito ang Sections 117, 1113 at 1400 ng Customs Modernization and Tariff Act, Republic Act 3720 o Food, Drug, and Cosmetic Act, at Republic Act 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.
Base sa disposal plan, i-didisinfect ng BAI-VQS ang kargamento at ipapadala sa disposal facility ng Eco Safe Agro Products sa Tondo, Manila.
Ibabaon ang food items nang 25 talampakan ang lalim sa Pier 18 landfill.
Babantayan naman ng inter-agency team kabilang ang mga opisyal sa BOC, BAI-VQS, at Philippine Coast Guard sa paglilipat at pagtatapon ng ASF-infected food items.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.