‘No entry’ muna ang mga Chinese sa Pilipinas – Sen. Recto
Suportado ni Senate President Pro Tempore ang mga panawagan na pansamantalang pagbawalan muna ang mga Chinese nationals sa pagbisita sa bansa.
Ito ay aniya ay para mapigilan ang pagkalat ng 2019 novel corona virus na nagmula sa Wuhan, China.
Ayon kay Recto kailangan lamang ipaliwanag at ipaintindi sa mga Chinese nationals na ang hakbang ay pansamantala lang hanggang hindi nasosolusyonan ang pagkalat ng sakit.
Banggit nito, maging ang China ay may katulad ng hakbangin gaya ng pagbawas ng cross-border travel mula Hong Kong patungong mainland China.
Sabi pa ng senador mas makakasama sa Pilipinas ang pagbabawal sa pagbisita ng mga Chinese dahil maapektuhan nito ng husto ang industriya ng turismo ng bansa.
Pagdidiin pa nito, ito ay hindi diskriminasyon kundi pinangangalagaan lang din natin ang kapakanan ng mamamayang Filipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.