Sen. Bong Go, ihihirit kay Pangulong Duterte ang China – PH travel ban

By Jan Escosio January 30, 2020 - 03:33 PM

Irerekomenda ni Senator Christopher Go kay Pangulong Duterte na magkaroon muna ng ‘travel ban’ sa bansa ang mga eroplano at barko na magmumula sa China dahil sa pangambang idinudulot ng 2019 novel corona virus.

Katuwiran ni Go gagawin ang hakbang ay para hindi makapasok sa Pilipinas ang nakakahawang sakit.

Una nang nagpatupad ng ban ang Civil Aeronautics Board (CAB) sa mga flights mula sa Wuhan bagamat patuloy naman ang pagdating sa bansa ng mga eroplano mula sa ibang bahagi ng China.

Nagpatupad na rin ang gobyernp ng China ng travel restrictions sa Hubei province, samantala naka-lockdown ang buong lungsod ng Wuhan.

Ayon kay Go pabor siya sa posisyon ng DOH na magpatupad ng travel restrictions sa mga Chinese nationals na pumapasok ng Pilipinas.

Una na rin inanunsiyo nito na handa na ang gobyerno na tulungan sa pag-uwi ang mga Filipino na nasa Wuhan at nais nang makabalik ng Pilipinas at aniya kailangan lang hintayin ang ‘go signal’ ng China.

TAGS: 2019 ncov, coronavirus, Sen. Bong Go, 2019 ncov, coronavirus, Sen. Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.