Panukala na nagpapahintulot sa DOH na magtakda ng bed capacity sa mga ospital nito, pasado na sa Kamara
Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukala na nagbibigay-kapangyarihan sa Department of Health na magtakda at mag-apruba ng bed capacity at service capability ng lahat ng ospital ng gobyerno.
Sa botong 213 ipinasa ng mga kongresista ang House Bill 5673 o ang panukalang DOH Hospital Bed Capacity and Service Rationalization Act.
Layon ng panukala na mapabilis ang proseso ng pagbibigay ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan sa mga
Pilipino sa pagpapahintulot sa DOH na mag-adjust ay mag-apruba ng bed capacity sa mga ospital nito.
Inaatasan lamang ang ahensya na magsumite ng taunang report sa Senado at Kamara tungkolnsa mga inaprubahang bed capacity ng mga ospital.
Ipinaliwanag ni House Committee on Health chairperson Angelina Tan na sa kasalukuyan ay pinapayagan lamang ang DOH hospital na magtaas ng bed capacity sa pamamagitan ng batas na ipapasa ng Kongreso.
Aabot sa 70 ang mga ospital na pinangangasiwaan ng DOH kung saan 51 ang general hospitals habang 19 ang specialty hospitals.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.