Mga residenteng pilit na bumalik sa danger zone sa paligid ng Taal, inalis ng PCG

By Ricky Brozas January 30, 2020 - 10:15 AM

Inilikas ng Philippine Coast Guard ang mga residenteng natuklasang bumalik sa mga lugar na sinara ng pamahalaan dahil sa panganib na idudulot sa kanilang buhay.

Ito ay kasunod nang isinagawang pag-i-inspeksiyon ni Commodore Artemio Abu PCG Task Force Taal sa mga buoy marker na inilagay sa 7-kilometer radius danger zone sa Taal Lake.

Sa naturang inspection, napansin ni Commodore Abu ang mga residenteng nakapuslit sa isla sa kabila nang idineklarang total lockdown.

Kinausap ni Abu ang mga residente kaugnay sa panganib ng pananatili ruon at hinikayat na lisanin at sumunod sa pinaiiral na safety measures lalo na at nananatili pa rin sa “Alert Level 3” pa ang seismic activity ng Taal Volcano.

TAGS: 7-kilometer radius, Bulkang Taal, Commodore Artemio Abu PCG Task Force Taal, danger zone sa paligid ng Taal, philippine coast guard, 7-kilometer radius, Bulkang Taal, Commodore Artemio Abu PCG Task Force Taal, danger zone sa paligid ng Taal, philippine coast guard

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.