P1M halaga ng illegal na droga nasabat sa buy-bust operation sa Quezon City, 1 arestado

By Mary Rose Cabrales January 30, 2020 - 09:12 AM

Arestado ang isang lalaki sa buy-bust operation ng Batasan Police sa Barangay Payatas A, Quezon City, hapon ng Miyerkules (January 29).

Nakilala ang suspek na si alyas Dennis na nasa drug watchlist at nakulong na din dahil sa droga.

Ayon kay Police Lt. Col. Romulus Gadaoni ng Quezon City Police District Station 6, ang suspek ay isa sa mga nagsusuplay ng ilegal na droga sa Everlasting St. at pawang mga driver ang kanyang mga parokyano.

Nasabat sa suspek ang 150 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1M piso.

Aminado naman si alyas Dennis na isa siyang tulak ng ilegal na droga.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: Barangay Payatas A, Batasan Police, P1M halaga ng driga, QC, shabu, tulak, Barangay Payatas A, Batasan Police, P1M halaga ng driga, QC, shabu, tulak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.