Bagong paraan ng pagbati iminungkahi ni Rep. Bayani Fernando
Nais ni Marikina Rep. Bayani Fernando na baguhin ang nakaugaliang paraan ng pagbati kasunod na rin ng pinangangambahang pagkalat ng sakit na novel coronavirus (2019-nCoV).
Sa House Bill 921 na inihain ng kongresista, sa halip na shakehands ay ipapalit ang pagbating Pilipino na kung saan ilalagay ang kanang kamay sa dibdib, bahagyang yuyuko saka sasabihin ang greetings o pagbati.
Ayon kay Fernando, base sa mga pag-aaral ng mga nasa medical profession, mas mabilis na nakakahawa at naililipat ang sakit sa pakikipagkamay.
Katwiran pa ng kongresista, ang bagong greeting gesture ay nangangahulugan ng good faith na nagmumula sa puso at respeto.
Inaatasan sa ilalim ng panukala ang Philippine Information Agency para manguna sa pagtuturo ng bagong pagbati sa lahat ng mga ahensya at tanggapan ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.