Pangulong Duterte ‘at a loss’ sa novel coronavirus
Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na mistulang helpless ang Pilipinas sa novel coronavirus (2019-nCoV).
Ayon sa pangulo, gaya ng ibang bansa, aligaga rin ang Pilipinas sa pagbabantay para makaiwas sa naturang sakit.
Wala aniyang vaccine hanggang sa ngayon para sa coronavirus.
“There is no known vaccine. This is a mysterious disease and we are just preparing maybe for the worst. We can marshal what we have but what we do not know, we are at a loss really on what to do, just like other nations now. ” ayon sa pangulo.
Ayon sa pangulo, nanatiling misteryoso ang coronavirus.
Gayunman naghahanda na aniya ang Pilipinas sa worst case scenario.
Bantay sarado na aniya ang mga entry points sa bansa para masiguro na ligtas ang Pilipinas sa coronavirus.
Una rito, sinabi ng pangulo na wala pang balak na i-ban muna ang mga flights mula at papuntang Pilipinas at China kung saan nagmula ang coronavirus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.