Finland nakapagtala ng unang kaso ng coronavirus
Nakapagtala na rin ang bansang Finlad ng kauna-unahang kaso ng coronavirus.
Batay sa impormasyon mula sa Finnish Institute for Health and Welfare, isang Chinese na galing sa Wuhan City, China ang nasabing biktima.
Agad dinala ang biktima sa isolation sa Lapland’s central hospital sa northern Finland.
Mahigpit na rin nilang binabantayan ang 15 ibang tao pa na nakasalamuha ng nasabing biktima.
Nauna ng sinuspendi ng Finnair , ang national carrier ng bansa ang biyahe nila sa mainland China matapos na pansamantalang ipatigil nito ang ruta sa Nanjing at Daxing airport ng Beijing.
Mananatili ang suspensiyon ng biyahe ng Finair hanggang sa katapusan ng Marso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.