Rep. Legarda, nais mapatupad ng ban sa pagpasok ng mga Chinese sa bansa

By Erwin Aguilon January 29, 2020 - 06:31 PM

Nais ni House Deputy Speaker Loren Legarda na magpatupad ng ban ang bansa sa pagpasok ng mga Chinese mula sa mainland China.

Sa kaniyang interpelletion sa Question Hour ng Mababang Kapulungan kay Health Secretary Francisco Duque III, sinabi ni Legarda na ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na novel coronavirus o nCoV.

Kailangan, ayon kay Legarda, na maging proactive ang pamahalaan dahil kumalat na ang sakit sa iba pang bahagi ng China.

Sinabi naman ni Duque na posibleng opsyon ang mungkahi ni Legarda pero hindi pa nila ito iniisip sa ngayon.

Paliwanag nito, mayroong mga negatibong epekto ang sushestyon ng lady solon.

Hindi aniya sa China lamang mayroong kumpirmadong sakit ng nCoV kaya maari itong kwestyunin ng pamahalaan ng nasabing bansa.

Ibinida naman ni Duque na dumating na ang mga Japannese contigent na may dalang gamit para sa pagsusuri ng nCoV.

Sa pagtatapos ng Question Hour, sinabihan ni House Speaker Alan Peter Cayetano si Duque na kung may kailangang budget para masugpo o maiwasan ang katulad na sakit ang kailangan lamang gawin ay lumapit sa Kamara.

TAGS: 2019 novel coronavirus, coronavirus, House Deputy Speaker Loren Legarda, 2019 novel coronavirus, coronavirus, House Deputy Speaker Loren Legarda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.