Malakanyang nababahala na sa novel coronavirus

By Chona Yu January 29, 2020 - 04:24 PM

Nababahala na ang Palasyo ng Malakanyang sa tumataas na kaso ng ‘persons under investigation’ o bilang ng mga pasyente na pinaghinalaang tinamaan ng novel coronavirus sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III na magsagawa ng pag-aaral at suriin kung anong mga mas magandang pamamaraan para masiguro na hindi makapapasok sa bansa ang naturang virus.

Bagamat nababahala ang Malakanyang, nilinaw ni Panelo na hindi dapat na mag-alala o mag-panic ang publiko dahil ginagawa naman ng DOH ang mga pamamaraan para manatiling coronavirus-free ang bansa.

Pinakamabisa pa rin, ayon kay Panelo, ay maging maingat ang bawat isa, panatiling malinis ang sarili at umiwas sa mga matataong lugar.

Kung hindi naman aniya maiiwasan na pumunta sa mga matataong lugar, tiyakin na magsuot ng mask o maghugas ng kamay.

“We’re looking at it with serious concern so the President has instructed the DOH secretary to study and evaluate what better procedure should be taken in order to contain, stop the coming in of this disease in this country. I talked with Secretary Duque, he said we don’t have to worry but we have to make ourselves conscious of the fact that there may be some virus coming on so we have to protect ourselves by avoiding crowds. If we have to be there we have to wear a mask, we have to wash our hands,” ayon kay Panelo.

TAGS: 2019 novel coronavirus, coronavirus, Sec. Francisco Duque III, Sec. Salvador Panelo, 2019 novel coronavirus, coronavirus, Sec. Francisco Duque III, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.