Drug suspect patay, P300K na halaga ng shabu nakumpiska sa Cavite

By Dona Dominguez-Cargullo January 29, 2020 - 11:08 AM

Patay ang isang hinihinalang drug pusher sa ikinasang buy-bust operation sa Imus City, Cavite.

Kinilala ni Cavite Police chief Col. Marlon Santos ang suspek na si Roberto Fernandez, na residente ng Antipolo, Rizal.

Mula Antipolo, dumayo sa Cavite ang suspek para doon kitain ang police poseur buyer.

Ginawa ang transaksyon sa Barangay Alapan 1C kung asaan nakabili ng P1,000 halaga ng shabu ang pulis kay Fernandez.

Pero nakatunog si Fernandez na pulis ang katransaksyon kaya bumunot at nagpaputok ito ng baril.

Gumanti ng putok ang mga pulis na agad ikinasawi ng suspek.

Nakuha sa kaniya ang 50 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P300,000 ang halaga.

TAGS: buy bust, cavite, current events, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, police, police operation, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs, buy bust, cavite, current events, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, police, police operation, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.