Abaya, dapat kasuhan dahil sa problema sa MRT – Poe
Mananagot si Transportation Sec. Joseph Emilio Abaya dahil sa mga problemang kinakaharap ng Metro Rail Transit (MRT).
Tiniyak ni Sen. Grace Poe na ang kaniyang pinamumunuang Senate subcommittee on public services, na duminig sa mga problema ng MRT, ay magsu-sumite na ng report para irekomenda ang pagha-habla kay Abaya at iba pang opisyal.
Ani Poe, “negligence of duty” ang irereklamo kay Abaya, dahil ang problema sa pamumuno sa Department of Transportation and Communications (DOTC) ang nagiging sanhi ng problema sa MRT.
Una nang binanatan ni Poe si Abaya at ang kaniya umanong “incompetence and shortsightedness,” kaya naman karapatdapat lang aniya itong makasuhan.
Samantala, sa kabila ng mga panawagan kay Abaya na magbitiw sa pwesto, sinabi niyang si Pangulong Aquino lamang ang makakapag-desisyon kung dapat ba siyang palitan.
Nanawagan rin si Poe kay Pangulong Aquino na sibakin na si Abaya dahil sa pagiging incompetent nito, ngunit mismong ang Pangulo ang nagsabi na mananatili si Abaya sa pwesto hangga’t siya rin ay nasa pwesto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.